Saturday, February 11, 2012

      Masamang Epekto ng Social Networking Site                                                                                                                                                                  Naparami sa panahon ngayon ang may account sa mga social networking site.Mga pinaka-sikat na libangan ng pinoy ngayon ngunit hindi lang maganda ang naidudulot nito sa atin dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay rumarami rin ang paraan ng tao na manira ng kanilang kapwa tao.                                                                                                            Sa katunayan napakaraming highschool student o teenager ang may mga ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag mag ganito ka kaya napakaraming bata ang nahuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang babayaran, ngunit dahil rin dito marami ang nasisira, halimbawa na lang nito ay ang pagpopost ng kung anu-anong kasiraan ng tao o kaya mga malalswang panuorin at minsan ay dito pa nagbabangayan ang  mga estudyanteng may alitan.Sa mga estudyante ang nagiging epekto nito ay malaki dahil hindi na lang sa school ginagawa ang BULLY pati na rin sa social networking site katulad ng pangblablackmail ginagawa na rin dito upang makasira lang ng bata at nandiyan rin ang panghihingi ng ibang bata ng pera sa binubully nila at meron rin na ang iba ay sinisiraan ang isang bata na may tendencing mabasa ng iba ang mga mapanirang pahayag na dahilan na maapektuhan ito dahil nga bilang teenager madalas magtago ng sikreto ito sa mga magulang at minsan naaapektuhan rin ang emosyon at kilos ng teenager na nabubully sa social networking site.                                                                                                       Marami ang mga negatibong dulot ng pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa katulad nga ng pangbubully sa social networking site na nararanasan ng ibang bata sa ating bansa na napakahirap talaga sugpuin dahil hindi naman natin kapit ang isipan ng ibang bata pero alam naman nating lahat na isang probleman ay may sulosyon kaya sa mga magulang ay dapat gabayan natin ang ating mga anak sa paggamit ng SOCIAL NETWORKING SITE